LIHAM SA HALIMAW...
AKing HALIMAW
ang nakalipas na mga araw ay wala sa ayos...namimiss ko ang halimaw sa aking pagtulog, pinipilit libangin ang aking sarili pagkat akoy nasanay sa halimaw ng aking buhay..ilang buwan akong nabuhay na sa kanya kumukuha ng lakas sa araw araw..siguro nga nasanay na ako at namanhid sa mga nangyayari, ang buhay ay minsang parang "Lollipop" itoy masarap ngunit unti unti kang tutunawin sa huli.
_______________________________________________________
ang gawa na mali ang kinahinatnatan ay hindi dapat pagsisihan datapwat itoy dapat pulutan ng aral sa ganun ay hindi na ito tularan. "to ba ang sinasabe nilang gulong ng palad" ang aking mga sinabe ay hindi na maaring bawiin sapagkat itoy nagawa na, ang maari ko na lang gawin ay umasa na "ang mali ngaun ay maaring tama bukas" sabi nila ang pagbibitiw ng mga salita tama man o mali ay mga naangkop na panahon ng pagsasalita.
pilitin ko man magsisi ng tuluyan ay mayrong pumipigil sa akin at nagsasabi na sa isang banda ay tama ang aking nagawa..."sana ay mali na lamang ako", mahirap ang buhay na nagiisa, hindi nga bat kaya tayo nghahanap ng ating kabiyak ay para tayo magmahal at mahalin.. ngunit paano kung sa huli ang taong pinili nating mahalin ang unti unting umubos sa atin? makatarungan bang piliin nating unti untingmamatay sa kamay nila kesa sa kamay ng iba?
________________________________________________________
ang mga bagay bagay na nangyayari sa atin ay may kapalit, maging masaya man o masakit ito, dapat natin itong tanggapin, ang mga mahal natin sa buhay, kadalasan sila ang nakakasakit sa atin..akoy naniniwala na "hindi ka kayang saktan ng taong hindi mo mahal". maging pangkaibigan na pagmamahal man ito o pagmamahal na higit pa. kaya nga sigur sadyang mas masakit talaga kung sila ang magiging sanhi at ating mga pasakit.
dumadating sa ating buhay na minsan ay parang gusto na nating sumuko, bagamat gusto natin ang ating ginagawa dumadating ang puntong kailangan na natin munang mag pahinga. ang aking napiling pagpapahinga ay sa pisikal na aspeto lamang, ito ay sa pamamaraang ibabaling ko muna ang aking pisikal na katawan o ang aking gawain na malayo sa halimaw. ngunit hindi ito ibig sabihin na ang pagmamamahal ay maglalaho na. ang pagmamahal ko ay gusto kong ituring sa "baga ng apoy". ikulong mo at itoy hindi makakahinga at unti unti mapupukaw. ngunit "bigyan mo ng sapat espasyo at hangin at di magtatagal ito ay uusbong upang magbigay ng mainit na pagtanggap at pagmamahal..."
________________________________________________________
akoy humihingi ng pagunawa alang alang sa atin mahal kong halimaw, lahat ay gagawin ko para lamang sa iyo. ngaun ako naman ang humihingi ng katiting at sanay maintindihan. akoy babalik sa natakdang panahon upang ipagpatuloy ang aking nasimulan. ngunit kung sa aking pagbalik ay naglaho na ang lahat tatamgapin ko ang iyong desisyon. kung ang iyong palagay ay tama na at wala ng dapat pang ipagpatuloy..iyon ay pipilitin kong tanggapin at "mamahalin na lamang kita sa aking wagas at tahimik na pamamaraan..."
WAKAS
nagmamahal
-Spongha
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home